Lalong sumarap

HINDI man isang brand ng alak ang VMX bombshell na si Divine Villareal, ang tingin sa kanya ng mga barako “lalong sumasarap habang tumatagal.”

Binanatan na naman ng matatamis at maaanghang na papuri ng netizens ang larawan ng sexy star sa kanyang Instagram page.

Sa kanyang IG post, real na real ang pasabog niyang sexy wangkata.

“Lost in the right place,” sey ni Divine sa caption.

Mala-paraiso ang ganda ng tanawing masisipat sa mirror selfie niyang ibinandera habang suot ang two-piece bikini.

Pasabog ang bombshell body—mapapanganga ang kahit na sinong kelot kapag perpektong hugis na niya ang makikita.

Ang kurba ni Divine, hindi ‘yan makakaligtas sa mundo ng pantasya ng mga kalahi ni Adan. Sukatin man ng ruler, sure na perpekto ang korte nito.

Pero syempre ang kanyang ganda, kapareha ng pangalan niyang Divine—Goddess ang atake ng face card ng VMX actress.

Naitampok na sa ilang proyekto sa VMX si Divine, kabilang na sa mga ito ang Bulong ng Laman at Kalakal na parehong ipinalabas ngayong taon.

The post Lalong sumarap appeared first on Journal News Online.

About admin