KUNG mayroon mang sexy actress na talaga namang hindi pinagsasawaan at kinaaadikan ng mga barako ng social media, isa na roon si Denise Esteban.
Para sa kanyang mga male fans, para bang ipinagbabawal na gamot ang sexy star, dahil bukod sa kanyang nakaka-high na alindog, malakas din ang tama ng kanyang kaseksihan sa kanila.
Sa isa nga niyang Instagram post pinapak ng titig ang katawan ni Denise dahil sa larawang ibinahagi niya.
“Proof that I should do this more often,” sey niya sa caption ng post.
“You should! ‘Cause you look amazing,” banat naman ng isang IG user kay Denise.
Good vibes ang dala ng awrahan ng bebot habang nakasalampak sa buhanginan ng beach. Suot ang kanyang two-piece bikini, tagos sa screen ang hotness niyang dala sa netizens.
Mala-honey nga ang pagka-smooth at golden ng kanyang balat na tila mae-enjoy lasapin ng mga barako.
Malinaw na makikita ang magandang kurba ng kanyang katawan at matatanaw sa malapitan ang kakinisan ng kanyang legs.
Walang pagdadalawang-isip na pinusuan ng netizens ang post ng aktres. Nilunod nga ng netizen sa papuri ang karisma ni Denise.
Naging pamilyar ang publiko kay Denise dahil sa kanyang mga pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Kara Krus (2022), High (School) On Sex (2022), Halo-Halo X (2023), at Star Dancer (2023).
The post deNICE VIEW appeared first on Journal News Online.