Catriona sinabi ang dahilan ng naunsyaming kasal kay Sam

@sonaphilippines

Catriona Gray nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ni Sam Milby #catrionagray #sammilby #viral #viralvideo #fyp

♬ original sound – sonaphilippines – sonaphilippines

INAMIN ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang tunay na dahilan kung bakit hindi naituloy ang planong pagpapakasal nila ng dating kasintahang si Sam Milby, sa panayam niya kay broadcast journalist na si Karen Davila.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ng beauty queen na may punto sa kanilang relasyon na napagtanto ni Sam na hindi pa siya handa sa mas seryosong yugto ng commitment—kahit pa nag-propose na ito sa kanya.

“There was a part in our relationship where I think he just realized that he wasn’t ready to take it to that stage of commitment, that we thought we were on ‘cause he had proposed. And then a few months later realized that hindi pala siya ready,” ani Catriona.

Hindi itinago ni Catriona ang sakit na kanyang naramdaman, sabay amin na “that was very hurtful for me, and I was blindsided at the time.”

Gayunman, sinubukan pa rin daw niyang ipaglaban ang relasyon. “I really tried to make it work. I was willing to adjust,” aniya, dahil kapag mahal mo ang isang tao, handa kang umunawa. Ngunit sa huli, napagtanto niyang may hangganan din ang paghihintay—“kung ’di ka pa rin sure, I think that’s an answer,” pahayag ng dating Miss Universe.

The post Catriona sinabi ang dahilan ng naunsyaming kasal kay Sam appeared first on Journal News Online.

About admin