HINDI pa man opisyal ang tag-init, tila napaaga na ang bakasyon vibes matapos magbahagi si social media star Michelle Dy ng kanyang beach photo online. Sa caption niyang “patiently waiting for summer,” malinaw na may inaabangan siya — at mukhang pati followers niya, sabay-sabay nang napaabang.
Sa larawan, makikitang nakasuot si Michelle ng white bikini na may cute na shell details, habang nakatayo sa gitna ng dagat sa oras ng papalubog na araw. Ang kanyang morena glow ay lalong tumingkad sa ginintuang sinag ng sunset.
Simple ang styling, pero ang hubog at kumpiyansang tindig niya ang tunay na bumida, banayad ang ngiti, pero malakas ang dating. Para siyang modern-day beach muse na hindi kailangan ng sobra para mapansin.
Agad namang bumuhos ang papuri sa comment section. “My fave bikini girl,” ani ng isang fan. May napa-“Grabe ang sexyy,” habang ang isa’y napa-throwback at nagsabing, “Di ka ba nagbibirthday kasi ganyan pa rin itsura mo nong YouTube era mo huhu.” Marami ang humanga sa kanyang timeless look at effortless charm na hindi kumukupas sa paglipas ng taon.
Isa siyang certified beach stunner na kayang gawing runway ang baybayin, at mukhang hindi na kailangang hintayin pa ang summer para uminit ang feed.
The post Dy-light appeared first on Journal News Online.