

Suspek patuloy na sumugod, binaril ng biktima, patay
KASALUKUYANG inoobserbahan at nagpapagaling ang isang pulis Maynila na minartilyo at sinaksak ng isang mister matapos rumesponde ang pulis sa away ng mag-asawa sa Sta Ana, Maynila, Martes ng gabi.
Nakilala ang mga biktima na sina Pat. Reygie P Pellas, naka- assign sa Sta Ana Police at ang misis ng suspek na si alyas Anabelle, 40, cashier, may asawa, residente ng Building C, Jaime Cardinal Sin Village, Brgy. 898, Punta, Sta. Ana, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang suspek na si alyas Christopher, 41, driver.
Ayon sa report ng pulisya, bandang 9:25 ng gabi nang makatanggap ng tawag sila mula sa 911 hinggil sa karahasan sa tahanan sa nabanggit na lugar.
Agad na nagtungo sina Pat. Pellas at PCpl. Jhonex C. Castillo Jhonex C. Castillo sa nasabing lugar.
Sa una ay tinulungan pa ng mga parak ang mag-asawa na pag-usapan ang kanilang problema sa harap ng opiyal ng Brgy. 898.
Humiling ang misis ng protection order mula sa nasabing mistr na ibinigay naman ng barangay.
Pagkaraan nito ay inihatid ni Pat. Pellas ang misis sa kanilang tahanan.
Ngunit sinugod umanong muli ang misis ng kanyag mister.
Nalaman ito ni Pat. Pellas kung kaya’t binalikan niya ang nasabing misis.
Pababa na ang pulis sa kanyang motorsiklo nang pinalo siya ng martilyo sa ulo ng suspek at sinaksak sa katawan.
Sinubukan ng pulis na dumistansya, ngunit hinabol siya ng suspek upang muling saksakin.
Nadulas ang suspek kung kaya’t pinaputukan ito ng pulis bilang depensa upang di na masaksak pa.
Dumating sa lugar sina PCpl. Oscar Barrios at Pat. Dario at dinala ang suspek sa pinakamalapit na ospital.
Idineklarang dead on arrival ang suspek ng attending physician na si Dr. Eunice Patricia Santos.
Si Pat.Pellas ay dinala sa Philippine General Hospital (PGH) para gamutin ang kanyang pinsala.
Agad namang rumesponde sa lugar ng pinangyarihan sina PLT.Col. June Abrazado, station commander ng Sta Ana Police Station 6 kasama sina PCPT. Bernardo B. Diego, PCP Commander ng Punta Sta Ana at investigators PMSg Johndie Arnel A. Cademia at Pat John Paul Burcer.
Patuloy pang iniimbestigahan nina PCMs Boy Niño Baladjay at Police Major Dave Garcia, hepe ng Manila Police District- Homicide Sectionn ang insidente.
The post PULIS TUMULONG SA ISANG MISIS, MINARTILYO, SINAKSAK NG MISTER appeared first on Journal News Online.