Pulis Balayan nangako ng serbisyong may malasakit

Balayan1

NAGSAGAWA ng courtesy visit si Provincial Director PCol. Marlon V. Rufo, kasama si PLTCol. Constantino B. Malaluan at iba pang opisyal ng Balayan Municipal Police Station kay Mayor Lisa Ermita-Abad noong ika-20 ng Pebrero.

Ang pagbisita ay bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng ugnayan, koordinasyon, at mahusay na pamumuno sa hanay ng kapulisan para sa kapayapaan at kaayusan ng bayan.

Sa nasabing pagbisita, tinalakay ang mahahalagang usapin hinggil sa pagpapaigting ng seguridad, pagpapalakas ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at kapulisan, at ang patuloy na paghahatid ng serbisyong may malasakit sa mamamayan.

Ipinahayag din ang iisang layunin na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang komunidad para sa lahat. People’s Tonight Los Angeles Correspondent

The post Pulis Balayan nangako ng serbisyong may malasakit appeared first on Journal News Online.

About admin