SWAK sa selda ang 30-anyos na lalaki matapos matimbog ng mga operatiba ng Manila Police District-Sta. Mesa Police Station 8 dahil sa pangnenenok ng kalan susperkalan mula sa Guadalcanal St., Sta. Mesa Manila noong Sabado.
Nakilala ang suspek na si alyas Paul Angelo na nahuli bandang alas-6:30 ng gabi sa bahay ng bikitima na si alyas Benjamin, 78.
Batay sa ibinigay na detalye ng pulisya nagtungo ang biktima sa PCP upang ireport ang insidente ng pagnanakaw ng isang superkalan na nangyari pa noong Pebrero 19, 2026 bandang 8:20 ng gabi sa kanyang tirahan.
Nagpakita ang complainant ng kuha ng CCTV footage mula sa Brgy. 587-A Sta. Mesa, Maynila na kinasasangkutan ng isang hindi kilalang suspect na nagnakaw ng kanyang kalan.
Nagsasagawa ng backtracking ang mga pulis at namataan ang isang lalaking nakasuot ng pulang sando na may dalang superklan.
Nilapitan nila ang suspek at kinumpirma na tumugma ito sa pisikal na paglalarawan na nakunan sa CCTV.
Dinala ang suspek sa Ospital ng Sampaloc para sa medico-legal examination at pagkatapos, sa Sta. Mesa Police Station para sa tamang disposisyon at dokumentasyon bago itinurn-over kay PSSg Davidson Blancaflor, duty investigator.
The post Tirador ng kalan ‘natusta’ ng mga parak appeared first on Journal News Online.