Reina Hispanoamericana 2026 si Miss Curacao; PH umabot sa Top 13

Pic1
Source: Reina Hispanoamericana FB

KINORONAHAN si Kimberly de Boer ng Curaçao bilang Reina Hispanoamericana 2026 sa ginanap na coronation night sa Santa Cruz de la Sierra, Bolivia nitong Pebrero 21, 2026. Siya ang nagwagi mula sa 28 kandidata at opisyal na tinanghal na bagong titleholder ng prestihiyosong pageant.

Bagama’t hindi nakapasok sa Top 8 ang pambatang Philippines na si Beatriz Francesca Abalajon Mclelland, nakamit niya pa rin ang Top 13 placement — isang malakas na pagpapakita ng galing ng Filipina sa international stage.

Sa listahan ng Top 13 finalists, kasama ang mga bansang Panama, Ecuador, Colombia, Peru, Mexico, Dominican Republic, Bolivia, Canada, Curaçao, Nicaragua, Venezuela, Filipinas at Puerto Rico.

Isang malaking tagumpay para sa Curaçao ang pagkapanalo ni de Boer, habang nagpapasalamat naman ang Pilipinas sa magandang ipinakitang performance ni Mclelland sa pageant.

The post Reina Hispanoamericana 2026 si Miss Curacao; PH umabot sa Top 13 appeared first on Journal News Online.

About admin