MAITUTURING na “melting pot” at may malaking merkado para sa mga mamumuhunan ang Maynila, ayon kay Mayor Isko Moreno Domagoso.
Tiniyak ni Mayor Isko Moreno sa mga negosyante na mananatiling bukas ang lokal na pamahalaan sa mga nais magtayo ng negosyo lalo na’t nananatili ang kaayusan at katahimikan sa lungsod.
“No harm will come to you as long as I’m the mayor. But in the same manner, I will not also allow abuse to one another. Just do business, strive, and there is a big market in this city,” payo ng alkalde sa mga negosyante.
Umaabot na sa tatlong milyon ang populasyon sa Maynila kapag araw habang dalawang milyon naman sa gabi.
Lumago ng 104 percent ang mga bagong rehistradong negosyo mula Enero 1 hanggang Pebrero 13, 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.
“Our crime rate at the end of last quarter dropped to negative 13%,” sabi ng alkalde.
“Buong kababaang-loob, nakikisuyo ako sa inyo na tulungan po ninyo ako. Because I cannot do this on my own alone,” panawagan ni Mayor Isko.
The post Mayor Isko sa investors: Manila ‘melting pot,’ malaking market appeared first on Journal News Online.