Diwata ayaw pag-usapan ang detalye ng pagkakakulong

Diwata2Diwata1“NAGHAHANAP-BUHAY lamang naman ako nang marangal at walang inaagrabyadong ibang tao, pero bakit inaresto ako at nakulong?” laments internet sensation and ambulant vendor owner of Diwata Pares na si Deo Jarito Balbuena na mas nakilala sa pangalang Diwata.

“Hindi naman po ako nagnakaw at kung sakali mang may pagkakamali ako, di ba dapat itama? Porke’t mahirap ka at walang pinag-aralan, kulong agad,” dugtong na tanong nya.

Si Diwata ay nakakulong ng overnight, 24 hours dahil sa non-compliance na may kinalaman sa kanyang pinatatakbong maliit na negosyo, ang Diwata Pares.

“Ang pagkaka-intindi ko, kung may nalabag man ako ay may notification muna at bago ka arestuhin ay may subpoena muna. In my case ay wala kong natanggap na subpoena kundi inaresto ako kaagad ng 6 p.m. at wala ka nang chance na maglagak ng piyansa kung saka-sakali kaya inabot ako ng 24 hours na nakakulong,” pagbabahagi ng na-trauma na si Diwata.

May naging customer si Diwata sa kanyang paresan na isang abogado at ito ang kanyang hiningan ng tulong.

“Wala naman po akong alam sa mga legal process dahil maliit lang naman po akong negosyante,” pahayag pa niya.

Back in San Roque, Catarman, Northern Samar na pinagmulan ni Diwata, mahirap lang ang kanilang pamilya. Bunso siya sa apat na magkakapatid and the only boy.

“Na-frustrate ang tatay ko sa akin dahil ang akala niya ay may isa siyang anak na lalake, hindi pala,” natatawa niyang kuwento.

Dahil sa hirap ng kanilang buhay sa probinsiya, nag-desisyon siyang lumuwas ng Maynila when he was 17 sa pag-aakalang madaling kumita ng pera sa siyudad. Dahil wala siyang matitirahan, dumiskarte siya kung paano siya mabubuhay sa Maynila.

Nanirahan siya sa ilalim ng tulay na umabot ng dalawang taon at pumasok sa kung anu-anong trabaho para lamang kumita para sa kanyang pang araw-araw na makakain. May pagkakataon pang kumakain umano siya ng pagpag, mga tira-tirang pagkain sa basurahan, natutong mangalakal ng basura, maging dishwasher hanggang maging isang construction worker. Nang makaipon siya nang konti ay doon niya inisip ang magtinda ng pares. Wala umano siyang inuupahang lugar kaya hindi permanente ang kanyang puwesto. Sa tuwing may nanghuhuling police ay kasama siya sa tumatakbo. May pagkakataon ding pati mga kaldero, table, umbrella at iba pang gamit ng kanyang paresan ay nakukumpiska. Kaya magsisimula na naman siya sa umpisa.

“Sobrang hirap ng buhay ko rito sa Maynila pero hindi ako sumuko,” aniya.

Nakilala siya nang mag-viral ang kanyang paresan business na nagsimulang dayuhin at pilahan ng mga customer dahil bukod sa mura ay unlimited ang rice at sabaw. Dito umano nagbago ang takbo ng kanyang buhay. Nakapag-ipon siya at nakabili ng lote sa General Trias, Cavite na kanyang pinatayuan ng maliit na bahay. Nakabili rin siya ng sasakyan na kailangan niya sa kanyang maliit na negosyo.

Nakilala siya nang husto dahil sa social media na kanya ring pinasok. Dinarayo siya ng mga kilalang vlogger and personalities para siya’y i-feature at interbyuhin. Sa rami ng tao na dumarayo sa kanyang puwesto, may pagkakataon na hindi umano niya napapagbigyan ng photo opp ang iba kaya nasabihan siyang yumabang at lumaki ang ulo.

“Sana maintindihan nila na maliit lamang po ang aking paresan at kailangan kong kumilos nang mabilis sa rami ng taong na kailangan mong pagsilbihan,” paliwanag niya.

“Kahit kailan po ay hindi ako nagbago at lumaki ang ulo. Ako pa rin ito,” diin nito nang ito’y aming makapanayam sa aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Ramdam namin ang hinanakit ni Diwata sa mga taong hindi siya maunawaan.

Naging sunud-sunod din ang pamba-bash sa kanya na kesyo na-karma umano siya dahil sa kanyang kayabangan.

“Basta alam ng Diyos ang totoo kaya hindi ako apektado sa ginagawa nilang pamba-bash sa akin lalupa’t wala naman akong atraso sa kanila,” diin pa niya.

Ayaw ni Diwata pag-usapan ang detalye kung bakit siya nakulong except for non-compliance na may kinalaman sa kanyang paresan dahil ongoing pa ang case hinggil dito. Pero nagpapasalamat siya sa Diyos na sa kabila ng ganitong mga pagsubok ay nananatili umano siyang matatag dahil wala naman umano siyang ibang maaasahan kundi ang sarili niya.

“Pero sobra ang takot ko nang arestuhin ako at makulong,” aniya.

Sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa kanyang buhay, nagpapasalamat si Diwata dahil kahit papaano’y tuluy-tuloy pa rin ang blessings na dumarating sa kanya.

Nung 2019 ay naging contestant siya sa “Miss Q&A” segment ng “It’s Showtime” at kinuha siya ni Coco Martin para mag-guest sa “FPJ’s Batang Quiapo,” isang nakapagandang experience dahil idol umano niya si Coco.

“Ipinahanap talaga ako ni Direk Coco (Martin),” kuwento pa niya.

Naniniwala si Diwata na kung may mga pagsubok man siyang kinakaharap ay nakakatulong umano ito para siya’y matuto at tumatag bilang tao.

Jodi masaya sa engagement nina Iwa at Pampi

JodiJodi1Jodi2MASAYA ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa engagement ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson sa longtime partner nitong dating actress, ang Fil-Jap na si Iwa Moto.

Nangyari ang engagement nina Pampi at Iwa habang nagbabakasyon ang dalawa sa Nara, Japan nung nakaraang February 18, 2026.

Almost fourteen years nang nagsasama sina Pampi at Iwa at meron nang dalawang anak na sina Heromi (Eve) – 12 at Caleb Jiro (almost 5) bago nag pop-up ang marriage proposal ng junior ni Sen. Panfilo `Ping’ Lacson.

Si Pampi ay may 20-year-old son sa kanyang ex-wife na si Jodi Sta. Maria na si Thirdy.

Although modern family na maituturing ang relasyon ng mag-inang Jodi at Thirday kina Pampi, Iwa at sa dalawa nilang anak, it works for them. Very close sina Jodi at Thirdy sa mag-partner na Pampi at Iwa maging sa kanilang dalawang anak.

Sigurado ring imbitado at dadalo sina Jodi at Thirdy sa kasal nina Pampi at Iwa.

Iwa was formerly married sa mixed martial arts artist na si Mickey Ablan pero ang dalawa ay nagkahiwalay nung 2011. Nakuha naman ng dating mag-asawang Jodi at Pampi ang annulment ng kanyang marriage in 2024.

Jodi, herself is in a relationship with Claudine Barretto’s ex-husband na si Raymart Santiago.

SUBSCRIBE, like, SHARE, comment and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

The post Diwata ayaw pag-usapan ang detalye ng pagkakakulong appeared first on Journal News Online.

About admin