Bela tuloy ang komunikasyon sa ex-boyfriend

MAHIGIT apat na taon ding tumagal ang relasyon ng actress, writer, director at producer na si Bela Padilla sa kanyang London-based Swiss ex-boyfriend na si Norman Ben Bay. Nakilala niya ang binata sa Switzerland in 2017 habang ginagawa nila ni Carlo Aquino ang pelikulang “Meet Me in St. Gallen.”

It was only last year nang mag-desisyon si Bela na bumalik ng Pilipinas matapos niyang mag-relocate sa London in 2021 where she went back to school. Pero sobra umano niyang na-miss ang Pilipinas, her family and friends laluna ang Filipino food na madalas niyang niluluto nung siya’y nasa London pa.

It must have been heartbreaking sa part ni Bela nang mag-desisyon siyang muling bumalik ng Pilipinas (for good!) dahil ito rin ang naging mitsa ng kanilang paghihiwalay ng kanyang boyfriend na si Norman.

It was their respective careers ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Bela at Norman kahit pareho nilang mahal ang isa’t isa.

Nasa London ang trabaho ni Norman at nasa Pilipinas naman ang career ni Bela. Pero ang maganda sa dalawa ay nagkahiwalay silang magkaibigan. Katunayan, they talk almost every day at nakuha pang dalawin ni Norman si Bela nung nakaraang May 2025 habang ginagawa nito ang pelikulang “100 Await Para Kay Stella” na sinulat at pinamahalaan ni Jason Paul Laxamana under Viva Films.

Nung nakaraang Valentine’s Day ay may nagpadala ng beautiful flower arrangement kay Bela. She posted the flowers on her IG pero hindi niya binanggit ang pangalan ng sender. She insisted na single pa rin umano siya hanggang ngayon.

Since tuloy pa rin ang komunikasyon nina Bela at Norman, hindi kaya ang ending ay sila pa rin?

Bela at Carlo nadala sa kanilang mga eksena sa bagong pelikula

AFTER eight years matapos ipalabas ang unang tambalan nina Carlo Aquino at Bela Padilla na ‘Meet Me in St. Gallen’ ay magkakaroon ng reunion movie ang dalawa sa pamamagitan ng “A Special Memory,” an adaptation from a popular Japanese series na pinamagatang “Pure Love” which was also adapted in South Korea.

Ang Filipino adaptation ay sinulat ng premyadong writer at National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee at pinamahalaan ng box office director na si Jerry Lopez Sineneng under Viva Films.

Hindi ikinakaila nina Carlo at Bela na naging close silang dalawa matapos nilang unang magkatrabaho sa pelikulang “Meet Me in St. Gallen” at sobra na umano silang naging kumportable sa isa’t isa nang gawin nila ang kanilang second team-up na “A Special Memory” na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa March 7, 2026.

Ang daming heavy scenes sa bago nilang movie where they played the roles of Dindo and Sandra respectively at hindi ikinaila ng dalawa na sobra umano sila nadala sa kanilang emosyon.

AiAi hindi tanging asawa pero tanging ina

Aiai

HINDI ikinakaila ng comedy queen na si Ai-Ai de las Alas na hindi pa umano siya totally healed from her break-up with ex-husband na si Gerald Sibayan. But she says she’s getting there.

“Seventy per cent na,” diin nya. “I’m recovering fast dahil busy sa trabaho at sa paghahanda sapagdating ng una kong apo (sa kanyang panganay na si Sancho de las Alas) na isang baby girl,” patuloy niya.

During our exclusive interview with Ai-Ai for our vlog, “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel, inamin nito na si Gerald umano ang pinakamatagal niyang naka-relasyon. Tatlong taon silang naging mag-nobyo at pitong taon bilang mag-asawa kaya sampung taon lahat kaya sobra umano niyang ininda ang kanilang paghihiwalay nangyari sa pamamagitan lamang ng text message when she was in Manila for work at nasa Amerika naman si Gerald.

Nakaramdam umano ng lungkot si Ai-Ai last Christmas holidays dahil sila lamang ng kanyang adopted son na si Andrei ang magkasama at nasa ibang bansa ang tatlo niyang grown up children na sina Sancho (Canada), Nicolo at Sofia (sa Amerika).

Ai-Ai herself is an adopted daughter ng kanyang tiyahin na isang geodetic engineer at naka-base in Manila at kapatid ng kanyang ama kaya sa Manila siya lumaki at nag-aral.

“Siguro kung hindi ako i-adopt ng Mama ko (her aunt) baka hanggang ngayon ay nasa probinsya pa rin ako at nagtatanim-tanim dun,” aniya.

Kung hindi man siya naging `tanging asawa’ sa kanyang mga exes dahil siya umano ang iniiwan, naniniwala siya na isa siyang `tanging ina’ sa kanyang mga anak whom she all raised single-handedly.

Kahit pawang failures ang past loves ni Ai-Ai, hindi niya totally ipinipinid ang kanyang puso na muling magmahal.

“Si Lord na ang bahala sa akin,” deklara niya.

Ai-Ai was married thrice. Una sa US-based singer-actor na si Miguel Vera kung kanino siya may dalawang anak – sina Nicolo at Sofia. Ang kanyang panganay na si Sancho ay anak niya sa yumaong gitaristang si Hernan Jeng-Jeng Viola. Nung April 3, 2013, siya’y ikinasal in Las Vegas, Nevada sa non-showbiz guy na si Jed Salang who was 20 years her junior pero umabot lamang ng isang buwan ang kanilang pagsasama at ito’y nauwi sa divorce nung May 19, 2013. Nung April 2017, the singer, actress-comedienne got engaged kay Gerald Sibayan (who was 30 years her junior) at ikinasal sa Christ the King Parish in Quezon City nung November 2017. Pero ang pagsasama ng dalawa ay natuldukan nang makipag-hiwalay si Gerald kay Ai-Ai through text nung November 2024 which she was in Manila for work at nasa Amerika naman si Gerald (because of Ai-Ai). Ang pakiramdam noon ni Ai-Ai ay gumuho ang mundo sa kanya. Matagal umano niyang iniyakan ang kanilang break-up pero okey na umano siya ngayon at unti-unting nakapag-move on.

“Life must go on!,” deklara pa niya.

Samantala, may pelikula siyang palabas ngayon, ang “Batang Paco” kung saan kasama niya si Empoy Marquez at pinamahalaan ni Rechie del Carmen. Ito ay maiden offering ng MiVida Productions ng dating “That’s Entertainment” member-turned businesswoman at film producer na si Anna Abiera del Moral.

May bago ring serye si Ai Ai ngayon, ang “My Bespren Emman” kung saan tampok din sina JM de Guzman, Shaina Magdayao, Sid Lucero at iba pa na pinamamahalaan ni Derick Cabrido on TV5.

SUBSCRIBE, like, comment, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

The post Bela tuloy ang komunikasyon sa ex-boyfriend appeared first on Journal News Online.

About admin