May wagas na wish si Kim Chiu sa lalaking kanyang mamahalin (o minamahal?) this time.
Sa episode ng “It’s Showtime” nitong Huwebes ay nadako ang usapan nina Kim at Vhong Navarro sa pagmamahal.
Natanong ni Vhong si Kim kung ano ba ang gusto nito sa isang lalaki at simulang sagot ng aktres, “Alam mo, sa dami talaga ng nangyari sa akin…”
Biglang natawa si Kim dahil bakit daw biglang naging seryoso ang topic.
Pero inulit ni Vhong ang tanong at seryoso ulit na sumagot si Kimmy, “Alam mo, ang akin lang talaga ay grabe akong magmahal.”
Sagot naman ni Vhong, “Oo naman, alam namin. Bigay-todo, buhos.”
Sey pa ulit ng aktres, “Ang gusto ko lamang talaga ay ‘yung mahal ako.”
Dagdag pa niya na parang nagiging emosyonal na, “Gusto ko talaga, I give my all para wala akong pagsisihan sakaling mawala siya. Gusto ko rin naman this time, mahal naman ako nang sobra more than me.”
Nag-viral nga agad ang mga sinabing ito ni Kimmy at kanya-kanyang komento na naman ang netizens.
Ang kanyang fans ay ganu’n din naman ang wish para sa kanya. Sana nga raw ay matagpuan na ng aktres ang true love.
The post Kim wagas ang wish sa bagong BF appeared first on Journal News Online.