BINANGGIT ni House committee on human rights chairman Bienvenido “Benny” Abante Jr. ng Manila ang pagtanggi ni Vice President Sara Duterte na manumpa sa harap ng House committee on good government and public accountability, at iginiit na kailangang harapin nito ang mga alegasyong nakasaad sa ikaapat na reklamong impeachment.
Ayon kay Abante, na isa ring impeachment complainant at dating vice chair ng panel, hindi sinagot ni Duterte ang mga tanong sa ilalim ng panunumpa sa nakaraang imbestigasyon.
“She refused to take an oath in the Good Government,” sabi ni Abante, na tumutukoy sa pagdinig kung saan nagpakita ang Bise Presidente pero hindi siya personal na sumagot sa mga tanong.
Para kay Abante, nagbibigay ang impeachment proceedings ng pormal na lugar upang talakayin ang mga paratang.
“This is now a very good opportunity… for her to answer all the allegations,” ani Abante, at iginiit na nararapat lamang na malaman ng publiko ang katotohanan tungkol sa mga isyung kinakaharap ng Office of the Vice President.
Tinukoy din ni Abante ang umano’y misuse of public funds, at binigyang-diin na ang confidential funds ay hindi ligtas sa pananagutan.
“Confidential funds are public funds, that’s not private funds,” sabi ni Abante.
“She is a public official elected by the Filipino people and therefore she must be accountable,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Abante na ang mga alegasyong nakasaad sa reklamo, kabilang ang mga isyung may kinalaman sa paggamit ng pondo, ay tumutukoy mismo sa ugat ng public trust at nangangailangan ng diretsong kasagutan sa ilalim ng konstitusyonal na proseso ng impeachment.
The post IMPEACHMENT PAGKAKATAON NI VP SARA SAGUTIN MGA ALEGASYON appeared first on Journal News Online.