NAGHAIN nitong Miyerkules ang Senate Minority Bloc ng Senate Resolution No. 307 na nagpapahayag ng sense of the Senate na dapat protektahan ang mga Pilipino laban sa extraordinary rendition at tiyaking mabibigyan sila ng sapat na panahon upang makadulog sa mga korte sa Pilipinas bago ang anumang surrender o extradition mula sa bansa.
“It is the sense of the Senate of the Philippines to protect all Filipinos against extraordinary rendition and guarantee them a reasonable time prior to their surrender by or extradition from the Philippines to seek redress from the courts and avail of legal remedies,” ayon sa resolusyon.
Inihain ang panukala noong Pebrero 18, 2026 at binibigyang-diin nito ang mga prinsipyong nakasaad sa Konstitusyon tulad ng due process, pambansang soberanya, territorial integrity, at independent foreign policy.
“Due process and national sovereignty are two of the most fundamental tenets of our Constitution, the bedrock of our civil society, without which we can only hope in vain to honor God, build communities, and transform the nation,” dagdag pa nito.
Inihain ang resolusyon sa gitna ng patuloy na debate hinggil sa saklaw ng hurisdiksyon ng mga international court kung hindi muna dadaan sa mga proseso ng lokal na korte. Nakasaad dito na ang pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court nang hindi muna nabibigyan ng pagkakataong dumulog sa mga korte sa bansa ay maituturing na paglabag sa due process at pambansang soberanya sa ilalim ng Section 17 ng Republic Act No. 9851.
Binanggit din sa resolusyon ang pagtukoy sa ilang nakaupong senador bilang “co-perpetrators” sa isang dokumento ng ICC, na ayon dito ay maaaring maglagay sa kanila sa panganib ng extraordinary rendition.
Binibigyang-diin ng panukala na ang sinumang haharap sa extradition o surrender ay dapat mabigyan ng sapat na panahon at pagkakataon na gamitin ang mga legal na remedyo sa bansa.
“Due process and the rule of law should not be sacrificed at the altar of a blind pursuit of justice. The 1987 Constitution guarantees that in all criminal prosecutions, an accused shall be presumed innocent until the contrary is proved, and that no person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law,” ayon pa sa resolusyon.
Sa panayam sa media, sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na nakabatay ang resolusyon sa mga probisyon ng Konstitusyon.
“Ang diwa ng ating Saligang Batas ay malinaw: kung may problema o paratang laban sa isang Pilipino, may karapatan siyang dumulog sa ating mga hukuman. Hindi maaaring isantabi ang ating mga korte,” aniya.
“Kung ang magiging interpretasyon ay kapag may arrest order mula sa ICC o kahit anong international court ay agad na dadamputin at dadalhin sa ibang bansa, napaka-delikado nito. Hindi lang ito usapin ng isang tao — usapin ito ng ating soberanya at ng ating constitutional framework,” dagdag pa niya.
The post Minority Bloc naghain ng due process reso appeared first on Journal News Online.