AJ hinamong pangalanan totoong ‘other woman’ ni Aljur

Galit na galit si AJ Raval sa mga basher na nagwi-wish nang hindi maganda para sa kanyang mga anak.

Ipinost ng dating Vivamax Queen sa kanyang Facebook page ang screenshot ng nakakalokang komento ng isang hater.

“Sana mamatay yan anak ni aj mabanga sana,” saad ng basher.

Sa caption ay inalmahan ng dating sexy actress ang naturang komento at tinawag na ‘kademonyohan’ na ang ginagawa ng toxic fans na pati ang mga inosenteng bata ay idinadamay.

“Bilang isang ina tungkulin kong ipagtanggol ang anak ko. Sa akin niyo ibuhos ang galit ninyo, hindi sa batang inosente. mga toxic fans kayo kayang manakit ng batang walang kalaban laban TOXIC FANS GRABENG KA DEMONYOHAN NA YAN,” saad ni AJ na halatang nagpupuyos sa galit.

“Ipapasalo nyo rin ba sa mga anak ko kasalanan ng ibang babae? Sinalo ko na lahat for her habang ang totoong involved at peace bakit hindi nyo sya hanapin sakanya nyo ibato yan bakit sa anak ko,” patuloy niya.

“Hindi ko hahayaan saluhin ng mga anak ko kasalanan nya. Kaya hindi matapos tapos to dahil mali kayo ng tinuturo,” giit pa niya.

Mensahe pa niya sa mga basher na halatang pikon na pikon na, “Oo na cheap ako walang pinag aralan pero gagawin ko part ko bilang isang ina.”

Sinabi rin ni AJ na mayroong totoong ‘other woman’ na aniya ay namumuhay nang tahimik habang siya at ang kanyang mga anak ay patuloy na binibira.

“The real other woman got away is at peace while me and my children are being attacked,” hinaing niya.

Pagtatapos na hirit pa niya, “Madaming magagalit ayaw tanggapin ang totoo.”

Sa comment section ay may mga nag-udyok kay AJ na pangalanan na kung sino ba talaga ang ‘other woman’ na ito.

“Mas mabuti pa ireveal mo na kung sino yong babae na totoong involve kesa nga naman hinahayaan mong ikaw ang binabash ng mga tao sa kasalanang hindi mo naman pala ginawa. dapat nagsasalita din si Aljur about jan eh, kase kung tutuusin punot dulo sya ng mga issue na yan sa inyo. Maayos at tahimik ka naman noon, maganda career mo. Nasira ng accusations sayo ng mga tao dahil kay Aljur. sana ireveal nyo nalang kung sino yong babae. para hindi na din madamay mga anak nyo sa mga baliw na fans,” payo ng isang netizen.

The post AJ hinamong pangalanan totoong ‘other woman’ ni Aljur appeared first on Journal News Online.

About admin