MULING sumabog at naglabas ng mataas na abo nitong Huwebes ng hapon ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naganap ang ‘explosive eruption’ o malakas na pagsabog ng bulkan dakong 4:40 ng hapon.
Batay sa 24-oras na monitoring ng Phivolcs hanggang 12:00 ng madaling araw nitong Huwebes, nagkaroon ng 10- volcanic earthquakes sa paligid ng bulkan.
Bago ang malakas na pagsabog, nagbuga din ang bulkan ng makapal na usok na umabot sa 150 metro ang taas.
Sa ngayon, nanatili sa Alert Level 2 ang bulkan at mahigpit paring ipinagbabawal ang pagpasok at pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa loob o malapit sa 4-kilometer radius permanent danger zone.
The post BULKANG KANLAON, MULING SUMABOG appeared first on Journal News Online.