ISANG babae na nabiktima ng mga miyembro ng pinaniniwalaang Salisi Gang ang nawalan ng cellphone sa suspek na nagpanggap na customer sa Juan St., Lolomboy, Bocaue, Bulacan noong Martes.
Ayon sa biktima na si alyas Mirasol, 29, bandang alas-2:05 ng hapon ipinarada ng suspek ang kanyang motorsiklo sa harap ng kanilang tindahan at tumingin ng mga ulam na paninda nila.
Maya-maya pa biglang lumapit ito sa cashier at kinuha ang dalawang Iphone 16 at Huawei Y70.
Ilang oras pa ang lumipas, sari-sari store naman ang nasalisihan ng suspek.
Ang mga biktima ay dumulog na sa tangapan ng pulisya at inireport ang ginawang pananalisi ng suspek.
The post Salisi Gang member umatake sa carinderia; cellphone dinakma appeared first on Journal News Online.