SAN FERNANDO, Pampanga–Ginawaran ng Medalya ng Sugatang Magiting si Police Staff Sergeant Jake Jacinto ng Bongabon police matapos masugatan nang makipagbarilan sa mga nakatakas na suspek sa pagnanakaw noong Pebrero 17.
Ayon kay PBGen. Rogelio Penones Jr., hepe ng Police Regional Office (PRO)-3, kabilang si Jacinto sa mga rumespondeng pulis na nagsagawa ng dragnet kasunod ng naiulat na pagnanakaw.
Nauwi ang operasyon sa barilan kung saan muntik nang mamatay si Jacinto dahil sa tama ng bala.
Nagkaloob din si Peñones ng tulong pinansyal sa sugatang pulis sa kanyang pagbisita sa Camp Olivas at nagbigay naman ng karagdagang suporta ang Public Safety Mutual Benefit Fund, Inc. upang makatulong sa gastusing medikal at pagpapagaling.
Pinuri ni Peñones ang katapangan ni Jacinto.
The post Bayaning parak ginawaran ng Medalya ng Sugatang Magiting appeared first on Journal News Online.