Boy atat maka-collab si Kris

Isa si King of Talk Boy Abunda sa mga natutuwa sa nalalapit na pagbabalik sa limelight ng kaibigang si Kris Aquino.

Sa programa niyang “Fast Talk with Boy Abunda,” ikinuwento ng premyadong TV host na nagkita sila ni Kris noong kaarawan nito last Feb. 14.

“Last February 14 in the afternoon, binisita ko ang aking kaibigang si Kris Aquino. She’s getting better. At sana, tuluy-tuloy,” pagbabahagi ni Kuya Boy.

“I continue to pray. She has gained some weight, at palagay ko, exciting things are going to happen this year,” dagdag pa niya.

Of course, isa sa mga tinutukoy ni Kuya Boy na ‘exciting things’ na mangyayari this year ay ang pagbabalik ni Kris sa hosting sa pamamagitan ng sariling podcast.

In fact, looking forward nga raw siya na muling maka-collaborate ang kaibigan.

“And really I don’t know, there is this thing in me that’s looking forward to doing a talk show with her. I don’t know if it’s going to be in the form of a podcast, an online thing or a television thing but hindi ko (pa) alam,” sey ni Kuya Boy.

Samantala, sa latest Instagram post ni Krisy ay mapapanood ang simpleng celebration ng kanyang 55th birthday last Feb. 14 sa kanyang bagong bahay kasama ang mga kaibigan kabilang na si Kuya Boy.

Sa caption ay sinabi niyang hindi na 60 years old ang goal niyang ma-achieve kundi 68 na.

“Previously I said let’s go for 60, 68 seems like a better goal. Thank you for your prayers and good wishes,” sey ni Kris.

The post Boy atat maka-collab si Kris appeared first on Journal News Online.

About admin