Senado wala pang talakayan tungkol sa ano mang pag-aresto

MANANATILING patas ang Senado sakaling umakyat ang anumang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Sinabi ni Sotto na wala pang talakayan ang mga senador tungkol sa caucus o sa anumang posibleng pag-aresto na nabanggit sa media.

Idinagdag niya na maging si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ay wala ring natatanggap na abiso. “Siguro nagmumuni lang siya. So wala kaming pinaguusapan,” ayon sa pangulo ng Senado.

“The senators are expected to be impartial always no matter who is going to be charged. Kanino mang articles of impeachment at sumampa samin, we are expected to be impartial,” aniya.

Sa tanong kung may agarang pangangailangang mag-caucus, sinabi ni Sotto na wala pang konkretong usapin.

Ayon sa kanya, tatawag lamang siya ng caucus kung may hihilingin ang mga senador.

Nang tanungin kung maaga ang pagdedeklara ng kandidatura, sagot niya: “Kanya-kanya yan. To each his own.”

Sa usapin ng paghahanda ng Nationalist People’s Coalition para sa 2028 elections, sinabi niya, “Wala pa.”

The post Senado wala pang talakayan tungkol sa ano mang pag-aresto appeared first on Journal News Online.

About admin