NAGHIGPIT ng seguridad ang City of Malabon University makaraang makatanggap ng bomb threat noong Huwebes.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Malabon Police at inalam ang sitwasyon habang nagdagdag at hinigpitan ang seguridad sa buong campus.
Matapos ang pagsisiyasat sa buong campus, walang nakumpirmang panganib bagama’t patuloy pa rin ang mahigpit na panuntunang ipinatupad sa mga pumapasok sa campus.
Hindi nagsuspinde ng klase ang unibersidad at sa halip ay inabisuhan ng pamunuan ang miyembro ng kanilang pamayanan na maging kalmado at mapagmasid.
Kinumpirma ni Malabon Station Community Affairs Section (SCAS) chief P/Capt. Eduardo Antalan, Jr. na bomb threat ang mensaheng natanggap ng pamunuan na ipinadala sa kanilang e-mail.
Sinabi ng paaralan na kinokondena nila ang lahat ng uri ng mensahe ng pananakot at hahabulin ang mga ito hanggang sa lawak na maaabot ng batas.
The post Malabon Univ naghigpit dahil sa bomb threat appeared first on Journal News Online.