IPINALIWANAG ni Claire Castro, Palace Press Officer and Undersecretary, na walang kinalaman sa anumang pagsuporta sa kandidato sa 2028 Elections ang kanyang pagsusuot ng kulay “pink.” Aniya, hindi ito dapat bigyang-kahulugan bilang pagpanig o pagpapahiwatig ng political preference.
“Nagsuot lang ng pink, mayroon na agad malisya?” ani Castro.
Dagdag pa niya, ang pokus ni President Ferdinand “Bongbong “Marcos Jr. ay nananatili sa pagtatrabaho para sa bayan—kabilang ang pagtugon sa suliranin sa pagbaha at pagpapalakas ng ekonomiya—at hindi sa maagang pamumulitika.
The post PAG NAKASUSOT NG PINK, ‘PINKLAWAN’ AGAD? appeared first on Journal News Online.