Mirror baddie

LAWAY na laway na naman ang mga barako ng social media sa pagpapakita ng VMX crush na si Sheena Cole ng kanyang oozing sex appeal.

Muling pinatunayan ng sexy star sa kanyang Instagram page na isa pa rin siya sa bombshell na inaabangan ng mga kelot.

“Unbothered looks good on me,” wika niya sa caption ng nasabing post.

Makikita sa ibinahaging larawan na malinaw sa repleksyon ng salamin ang patakam ni Sheena. Tagos ang sumisirit niyang kaseksihan sa mga larawan.

Naghasik nga ng kasarapan sa suot niyang red panty at bra, pati na sa nakababang maong jeans ang hot actress. Talagang masisipat ang hulma ng kanyang wangkata.

Kapansin-pansin din ang beauty ni Sheena. Pakak kung pakak ang mala-dyosa niyang ganda sa post, kaya nga ganoon na lang kung mahumaling ang dumadami pa niyang tagahanga.

Hot na hot sa VMX actress ang mga netizens sa comment section. Bumulwak ang mga puso at apoy na emojis para sa post ni Sheena.

Ilang beses na ring napabilang sa mga VMX projects si Sheena. Mapapanood ang husay niya sa aktingan sa mga pelikulang ‘Barurot,’ ‘Sex on Phone,’ at ‘Ang Pamumukadkad ni Marisol.’

The post Mirror baddie appeared first on Journal News Online.

About admin