Winter storm, niyebe sinuong ng mga Pinoy para makadalo sa Ash Wednesday misa

Church1Church2

CALIFORNIA — KAHIT freezing ang simoy ng hangin dala ng winter storm na may kasamang niyebe daang mga debotong Katoliko, una na ang mga Filipino at iba pang mga lahi, ang nagsimba dito sa St. Eraneus Church sa Cypress, California, upang dumalo sa Ash Wednesday misa at magpapahid ng abo sa mga noo.

Ayon sa Bibliya, ang Miyerkules ng Abo, o Ash Wednesday, na ginaganap 46 araw bago ang Pasko ng Pagkabuhay, ay minamarkahan ang pagsisimula ng Kuwaresma sa Kanlurang Kristiyanismo, na nagsisilbing araw ng pagsisisi at pag-aayuno.

Nagmula sa sinaunang tradisyon ng mga Hudyo ang paggamit ng abo para sa pagluluksa at pagsisisi.

Ang pagsasanay ay ginawang pormal ng Simbahan noong Middle Ages (Circa 11th century). People’s Tonight Los Angeles Correspondent

The post Winter storm, niyebe sinuong ng mga Pinoy para makadalo sa Ash Wednesday misa appeared first on Journal News Online.

About admin