BOC: Fair and respectful treatment

MALIGAYANG araw sa ating mga tagasubaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Endo Yumi, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kina Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Nida Reyes, Dolores Monfero at Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God Bless sa inyong lahat!

***

Hindi lang pala pangongolekta ng buwis at paglaban sa ismagling at korapsyon ang inaatupag ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BOC).

Sa ilalim ng pamamahala ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang BOC ay determinadong bigyan ng “fair and respectful treatment” ang lahat ng pasahero sa mga international airports. Nag-isyu nga si Commissioner Nepomuceno ng “new guidelines that put professionalism, transparency, and passenger dignity at the center of customs inspections.”

Ito ay naaayon sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbigay ang mga lingkod-bayan ng “efficient at people-centered government services.”

Sinabi ni Commissioner Nepomuceno na bawat paalis at parating na pasahero ay tratuhing may paggalang sa lahat ng oras.

Ang secondary inspection, ayon kay Commissioner Nepomuceno, ay hindi naglalayong takutin o pahirapan ang isang pasahero.

Ito ay isang proseso para masigurong ang lahat ng inspeksyon ay naaayon sa batas at iba pang rules and regulations.

Iniutos pa ng BOC chief na lahat ng international airports ay magkaroon ng tinatawag na “Secondary Inspection Area.”

Ang lugar na ito ay dapat ma-protektahan ang lahat ng karapatan ng isang pasahero at masiguro rin ang kaligtasan ng mga tauhan ng ahensya.

Congrats, Comm. Ariel, sa mga repormang ipinapatupad mo sa BOC.

***

Habang papalapit ang katapusan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay lalong pinaiigting ang kampanya laban sa ismagling.

Aminado tayo na hindi “walk in the park” ang pagpuksa sa illegal trade na ito dahil hindi naman basta-basta ang mga taong sangkot dito.

Dahil nga sila’y mayaman, ma-impluwensiya din sila.

Gayon pa man, walang sinisino ang Bureau of Customs (BOC), sa pangunguna ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, sa kampanya sa ismagling.

Mula nga Hulyo l, 2025 ay nakapaghain na ng kasong criminal ang BOC laban sa 40 importador at licensed customs brokers.

Ang mga kaso, na inihain sa Department of Justice (DOJ), ay bunga ng paglabag sa Republic Act (RA) No. 10863, na mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA)/

Ayon sa BOC, “the cases involve unlawful importation activities, including technical smuggling, misdeclaration and under valuation of goods.”

Ginagawa ito ng mga importador at customs broker para lang makaiwas sa pagbayad ng tamang duties at taxes.

Inireport din ni Commissioner Nepomuceno na nagkaroon ng apat na convictions sa kanyang panunungkulan. Ang mga kasong ito ay ipinagpatuloy lang ng administrasyon ng kasalukuyang BOC chief.

Kay Commissioner Nepomuceno, ang trabaho ng BOC ay hindi lang nakatuon sa koleksyon ng buwis at seizure ng illegal importations.

Idedemanda din nila ang mga taong sangkot sa lahat ng illegal activities sa bansa para sila’y makulong kung mapatunayang sila’y nagkasala.

***

Nagsimula na ang “Kuwaresma” o Lenten Season sa English.

Ayon sa liturgical calendar ng Simbahang Katoliko, ang Lenten Season ay nagsisimula sa araw ng tinatawag na“Ash Wednesday.”

Napuno nga ng parishioners, na karamihan ay mga matatanda at kabataan, ang mga simbahan kahapon dahil sa selebrasyon ng “Abo ng Miyerkules.”

Sa panahon ng “Kuwaresma,” ang mga Katoliko at iba pang mga Kristiyano ay nangingilin, nagdarasal at nagpapatawad sa mga taong nagkasala sa atin

At sana nga hindi lang mga Katoliko ang marunong magpatawad sa panahon ng “Lent.”

Tama ba kami, Cardinal Luis Antonio “Chito” Tagle?

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa: +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

The post BOC: Fair and respectful treatment appeared first on Journal News Online.

About admin