4 na bangkay narecover sa lumubog na ferry sa Basilan

PCG1PCG2

PCG3
Mga Larawan at Bidyo ni: SN2 Sahali PCG/ PIO-SWM; PCG FB

NAREKOBER ng mga technical diver ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na bangkay sa isinagawang underwater operations, Pebrero 17, 2026, kaugnay ng insidenteng pandagat ng MV Trisha Kerstin 3.

Dahil sa pangyayaring ito, umakyat na sa 62 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, may 293 na nakaligtas, at 17 indibidwal ang nananatiling nawawala.

Binibigyang-diin ng PCG na ang mga bilang na ito ay pinagtibay sa pamamagitan ng pinagsamang beripikasyon ng Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), at ng mga apektadong pamilya na araw-araw na nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng interagency search and rescue.

The post 4 na bangkay narecover sa lumubog na ferry sa Basilan appeared first on Journal News Online.

About admin