Paghilik maaaring senyales ng mas matinding problema

AYON sa Department of Health, ang paghilik ay maaaring senyales ng sleep apnea, isang problema sa pagtulog.

Dahil dito, ibinahagi ng DOH na ang ahensya ay mayroong Snoring and Sleep Center upang matulungan ang may mga problema ssa pagtulog.

Bukas ang Snoring and Sleep Center ng DOH East Avenue Medical Center para sa mga nais magpakonsulta dahil sa paghihilik o iba pang suliranin sa pagtulog.

Hinihikayat ng DOH ang publiko na agad magpakonsulta kapag may mga sintomas ng apnea sa pagtulog tulad ng malakas at madalas na paghihilik. Maaari ring gamitin ang PhilHealth Sleep Apnea Package upang makatulong sa gastusin sa pagpapagamot.

Bukas ang Snoring and Sleep Center ng DOH–EAMC mula Lunes hanggang Huwebes, alas-8:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga, para sa mga nais magpakonsulta.

The post Paghilik maaaring senyales ng mas matinding problema appeared first on Journal News Online.

About admin