VISION CASTING NG JILCW SA SMX CONVENTION CENTER

Mahigit 11,000 pastor at manggagawa ng simbahan mula sa Pilipinas at iba’t ibang bansa sa buong mundo ang dumalo sa taunang Vision Casting ng Jesus Is Lord Church Worldwide (JILCW) na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City, kung saan nagsalita si Senador Joel Villanueva nitong nakaraang weekend. Hinimok ni Villanueva ang mga lider ng simbahan na ipagpatuloy ang kanilang gawain sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at pananampalataya kahit sa gitna ng mga pagsubok, “sa mga panahon ng pag-uusig, krisis, at personal na pagsubok.” Binigyang-diin din ni Villanueva ang kahalagahan ng papel ng simbahan sa paghubog at paggabay sa direksyon ng bansa. “Kung saan patungo ang simbahan, doon din patungo ang bansa. Tinawag at pinili tayo upang maging asin at ilaw ng sanlibutan,” ani Villanueva.

The post VISION CASTING NG JILCW SA SMX CONVENTION CENTER appeared first on Journal News Online.

About admin