Dancer-actor humihingi ng tulong dahil sa cancer

Kenneth1Kenneth2Kenneth3Kenneth4

IBINAHAGI ng dancer at aktor na si Kenneth Medrano ang mabigat niyang pinagdadaanan sa buhay ngayon matapos na ma-diagnose na mayroon siyang testicular cancer.

Nanalo si Kenneth sa “That’s My Bae: Twerk It” dance contest sa Eat Bulaga noong 2015, at naging miyembro ng all-male dance group na “That’s My Bae.”

Isa rin siya sa mga bida ng “Trops,” ang romcom series ng GMA na umere mula 2016 hanggang 2017.

Nakasama ni Kenneth sa Trops sina Kim Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor, Miggy Tolentino, at Joel Palencia. Dito naging leading lady nila ang French-Japanese Pinay talent na si Taki.

“To be honest, hindi po ako okay ngayon. Kahit mukhang masaya ako sa lahat ng posts ko, sobrang bigat po ng pinagdadaanan ko,” saad niya sa Instagram post na ibinahagi rin niya ang mga larawan sa resulta ng ultrasound na ginawa sa kaniya.

“I was recently diagnosed with testicular cancer (right testicle), and I need to undergo urgent surgery next week to prevent it from spreading,” dagdag niya.

Mataas ang posibilidad ng paggaling sa testicular cancer, at kabilang sa mga gamutan nito ang operasyon at chemotherapy.

Ayon kay Kenneth, aabot umano sa tinatayang P250,000 ang kabuuang gastusin niya sa ospital na aminado siyang hindi niya kayang sagutin na mag-isa.

“Nakakahiya ito but gusto ko pa makita ang mga apo ko. Sa mga mabubuting puso, humbly asking for any financial help,” patuloy niya. “Any amount will be a big help for my surgery and recovery. Parang gumuho ang mundo ko!”

Humiling din siya ng mga panalangin mula sa publiko at tinapos ang kaniyang post sa pamamagitan ng pasasalamat sa kaniyang mga tagasuporta para sa kanilang kabutihan at tulong.

Ibinahagi rin niya sa kanyang post ang detalye ng kaniyang mga bank account at GCash account para sa mga nais tumulong.

Paulo ipinost ang larawan ng mga stalker

PauloPicIPINOST ni Paulo Avelino ang picture ng umano’y dalawang stalkers na ilang araw na raw umaaligid sa labas ng kanyang bahay.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter) noong Huwebes (February 12), ibinahagi ng aktor ang larawan ng dalawang tao na tila pareho ang kulay ng damit at naka-facemask.

“Since ilang araw niyo rin naman na kinukunan ng picture and video yung labas ng bahay namin, okay lang naman din siguro na i-post yung picture niyo para patas lang,” sulat ng aktor.

Sa comments section, maraming fans ang nagparating ng kanilang pag-aalala para sa aktor.

‘Stars on the Floor’ nagbabalik, mas pinabongga

StarsNAGBALIK na nitong Linggo para sa panibagong season ang mas pinabonggang “Stars on the Floor.”

Ipinakilala na rin ang mga celebrity dance star na makakasama ng mga P-Pop dance star upang mapatalbugan sa paghataw sa sayaw.

Sa opening ng show, ipinakita si Jao mula sa Alamat at ang SexBomb Girl na si Sugar Mercado.

Sumunod naman si Jeromy ng HORI7ON, at ang international idol na si Chanty mula sa Lapillus.

Nandoon din si Denise mula sa Calista at ang aktor na si Paul Salas, na anak ni UMD member na si Jim Salas.

Nagpakitang-gilas din sa pagsayaw sina Joker at Sophia ng 1ST.One, kasama ang aktor na si Rocco Nacino.

Makikilala naman ang ikalima at final celebrity dance star sa susunod na linggo, at doon din malalam kung sino ang mga magkakapareha.

Host pa rin ng programa si Alden Richards, magsisilbing hurado sina Marian Rivera, Rayver Cruz, at Jay Roncesvalles.

Julie Anne serenades newlyweds at “Kasalang Bayan’ in Sta. Rosa

JulieJULIE Anne San Jose added a heartfelt musical touch to “Kasalang Bayan 2026”, serenading newlyweds during the mass wedding ceremony held at the City Auditorium in Sta. Rosa, Laguna on February 14, 2026.

The Asia’s Limitless Star filled the venue with love and warmth as couples celebrated their special day, making the moment even more memorable with her performance. The event was marked by joyful scenes, heartfelt vows, and an atmosphere brimming with romance.

Organized as part of the city’s Valentine’s Day celebration, the Kasalang Bayan brought together couples ready to begin a new chapter of their lives, surrounded by family, friends, and community support.

Julie Anne’s performance served as a fitting soundtrack to the occasion, adding emotion and elegance to the milestone moment.

The post Dancer-actor humihingi ng tulong dahil sa cancer appeared first on Journal News Online.

About admin