100 bahay sa Basilan nilamon ng apoy

UMABOT sa 100 bahay na tinitirahan ng 487 na tao ang nilamon ng apoy sa Brgy. Diki, Isabela City, Basilan noong Linggo.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa residential area sa 2,000-square meter na lupain na sakop ng Isla ng Malamawi.

Nasa iba’t-ibang evacuation centers sa nasabing lungsod pansamantalang tumutuloy ang mga biktima ng sunog.

Sa mga nilamon ng apoy na bahay, 63 ang tuluyang nilamon ng apoy at 30 naman ang maaaring pang kumpunihin.

Sa imbestigasyon ng BFP-Isabela City, isang residente ang nagsindi ng basura subalit dahil gawa sa light materials ang kabahayan ay sumiklab ang sunog at mabilis na kumalat ang apoy.

Hindi agad naapula ang apoy dahil walang fire hydrant sa lugar at nag mano-mano lamang sa pag-iigib ng tubig para apulahin ang apoy.

The post 100 bahay sa Basilan nilamon ng apoy appeared first on Journal News Online.

About admin