DAPAT mabigyan ng pagkakataon sina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher Lawrence “Bong” Go na gamitin ang lahat ng legal na remedyo kaugnay ng mga kasong kinakaharap nila sa International Criminal Court (ICC), ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson.
Iginiit din ni Lacson na dapat igalang ang mga hukuman sa Pilipinas sa anumang hakbang na maaaring isagawa ng ICC kaugnay sa dalawang senador, na tinukoy bilang mga co-perpetrators sa kampanya kontra droga ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Sa tingin ko oo. Kasi dapat igalang natin ang local courts. Pag may arrest warrant from ibang bansa, ICC o foreign court, dapat ito dinadaan natin sa local court at may corresponding order galing sa ating local court ilalabas para ma implement ang arrest warrant galing sa foreign entity,” sabi ni Lacson.
Tatalakayin ng Senado ang mga posibleng hakbang na maaaring gawin, kabilang ang anumang tulong na maaaring ibigay kina dela Rosa at Go.
Sa ngayon, maaga pa upang magbigay ng tiyak na posisyon dahil hindi pa naglalabas ang ICC ng bill of particulars na naglalahad ng eksaktong mga kaso at posibleng parusa na maaaring kaharapin ng dalawang senador.
“Pag-aaralan yan ng mga abogado ng Senado anong nararapat gawin given the circumstances,” aniya.
The post Bigyan ng pagkakataon sina Sens. Bato, Go appeared first on Journal News Online.