NANAWAGAN si Sen. Francis “Chiz” Escudero na palakasin ang pagpasok ng pamumuhunan habang bumagal ang paglago ng ekonomiya noong 2025 at patuloy na lumalambot ang foreign direct investment (FDI).
Gusto rin ng senador ang agresibong promotion ng pambansang pamahalaan para sa 99-year land lease terms sa ilalim ng Republic Act No. 12252.
“The law is already in place. What we need now is aggressive promotion and clear messaging to investors that the Philippines is ready for long-term partnerships,” sabi ni Escudero.
Ayon sa senador, mas nagiging madali ang pangangailangan na makahikayat ng kapital dahil humihina ang FDI inflows at binanggit ang net inflows na nasa humigit-kumulang $7.1 billion mula Enero hanggang Nobyembre 2025.
Bumaba ito mula $9.08 billion sa parehong panahon noong 2024.
Iniuugnay ni Escudero ang pagbaba sa mas mahihinang intercompany borrowings at mas maingat na global sentiment.
Binanggit din niya ang mga hamon sa labor market, kabilang ang unemployment rate na 4.4 percent noong Disyembre 2025 o katumbas ng humigit-kumulang 2.26 million na jobless Filipinos, habang nananatiling double digits ang youth unemployment.
Ayon kay Escudero, kung walang mas malakas na investment inflows, lalo na sa mga sektor na nangangailangan ng long-term capital, posibleng humaba ang underemployment at masayang ang pagkakataong makasama ng lumalaking young workforce.
“In times of slowdown, we must think in centuries, not quarters. RA 12252 ensures that those who invest here will stay for generations, creating stability that outlasts economic headwinds,” sabi ni Escudero.
Sinabi ni Escudero na ang RA 12252 ay nag-aamyenda sa Republic Act No. 7652 o Investors Lease Act sa pamamagitan ng pagpapahaba ng land leases para sa foreign investors mula 50 years tungo sa 99 years.
“We cannot pause structural change because of short-term numbers. On the contrary, we must push harder so that the next cycle of growth is stronger and more resilient,” sabi ng senador.
The post Pagpasok ng mamumuhunan palakasin–Sen. Chiz appeared first on Journal News Online.