CHINOP-CHOP NA KELOT PINATAPON SA HALAGANG P300 SA MANGANGALAKAL

SocoSoco1Soco2Soco3Soco4Soco5ISANG lalaki na chinop-chop ang nakitang nakasilid sa loob ng drum matapos itong ipatapon sa Delpan Bridge ng di pa kilalang suspek sa isang scavenger.

Ang drum ay natagpuan 7:30 p.m. ng Linggo sa ibabaw ng Delpan Bridge sa tapat ng Sports Complex sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard, sakop ng Barangay 275, Binondo, Maynila.

Ayon sa report ng pulisya,may kasamang lubid ang bangkay.

May bakas pa ng mga pagkakatali ang mga paa at kamay ng biktima.

Batay sa salaysay ng dalawang saksi, isang puting L300 van ang huminto sa ibabaw ng Delpan Bridge sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard.

Dalawang lalaki ang bumaba sa sasakyan at ibinaba ang asul na drum na nakabalot sa transparent na plastic tape.

Tinawag ng mga suspek ang dalawang saksi at inutusan sila na itapon ang nasabing drum sa halagang P300.

Matapos ibigay ang pera ay agad na umalis ang L300 van patungong hilagang kanluran.

Ibinaba ng mga saksi ang drummula sa ibabaw ng Delpan Bridge at isinakay sa kariton sa harap ng Delpan Sports Complex.

Dahil sa pagkakaalam ng mga saksi na ito ay kalakal ay minabuti nilang tingnan ang laman ng drum. Nakita nilang may plastic bag na may bahagi ng katawan ng tao, mga sauce at paste.

Agad ini-report ng dalawang saksi ang kanilang natuklasan sa mga awtoridad.

Ang mga putol-putol na piraso ng katawan ng di pa kilalang biktima ay dinala na sa Funeraria Cruz.

Inaalam pa nina PCPT Kaye Javier ng MPDFU SOCO at PMSg Arvy Macarasig ng Homicide Section ang pagkakakilanlan ng biktima.

The post CHINOP-CHOP NA KELOT PINATAPON SA HALAGANG P300 SA MANGANGALAKAL appeared first on Journal News Online.

About admin