Onemig nabingwit sa wakas si Aiko

Pic1Pic2Pic3

IT pays to wait! At ito’y nangyari sa dating commercial model-turned actor-businessman na si Onemig Bondoc na hindi man nagkatuluyan 29 years ago ang niligawang actress-turned politician na si Aiko Melendez ay muli silang pinagtagpo ng tadhana. This time ay natuloy na ang kanilang pagiging magkasintahan sa kabila na nagkaroon ang dalawa ng kani-kanyang buhay sa loob ng halos tatlong dekada.

Hindi man noon sinipot ni Aiko si Onemig sa usapan nilang date in Subic, doon lamang na-realize ng actor na basted ang kanyang panliligaw sa actress-politician.

Aiko ended up marrying young actor then Jomari Yllana in 2000 at nagkaroon sila ng isang supling, ang actor na rin ngayon na si Andre Yllana. Pero ang pagsasama noon nina Aiko at Jomari ay tumagal lamang ng halos limang taon at na-annul ang kanilang kasal nung 2010. Five years later ay muling nag-asawa si Aiko sa non-showbiz guy na si Martin Jickain nung 2005 at nagbunga ng isang anak ang kanilang pagasama na si Marthena. Pero pagkaraan din ng halos limang taon ay nagkahiwalay din ang dating mag-asawa nung 2010.

Si Onemig naman ay nag-asawa kay Valerie Bariou (na tila related sa long-time boyfriend ng singer-actress na si Nadine Lustre, ang Filipino-French na si Christophe Bariou) nung 2005 at nagkaroon sila ng dalawang anak na si Arnelle at Antoine Bariou Bondoc. Nung 2015 ay nagkahiwalay sina Onemig at Valerie na isang model. Naiwan kay Onemig ang kanyang dalawang anak who are both grown-up now.

Sa kabila ng kanyang sheltered life, nakaranas din si Onemig na gumamit ng drugs na umabot din ng tatlong buwan pero later ay na-realize niya wala itong maidudulot na maganda sa kanya at sa kanyang pamilya kaya siya huminto sa paggamit nito. It was also in 2006 nang mag-desisyon si Onemig na talikuran ang showbiz career. Tumulong na lamang siya sa negosyo ng kanyang parents na may kinalaman sa real estate.

At his prime, na-link si Onemig noon kina Angelu de Leon, Ciara Sotto, Kristine Hermosa, Judy Ann Santos at Bianca Lapus. Pero nanatili siyang single hanggang muling mag-krus ang kanilang landas ni Aiko nang mag-guest ang actor-businessman sa vlog ng actress-politician last December 2025 kung saan unti-unting na-rekindle ang kanilang past hanggang sila’y tuluyang magkabutihan.

Last February 14, 2026, the new couple celebrated their first Valentine together.

May dalawa ring grown-up children si Aiko – sina Andre at Marthena na parehong boto sa bagong pag-iibigan ng kanilang mommy at ni Onemig.

Aiko was in a long relationship with politician Jay Khonghun na nagsimula nung 2018 pero kinumpirma ni Aiko ang kanilang break-up in early October 2025. Wala umanong third party na involved. It was a mutual decision na parehong may respect sa isa’t isa.

Chad tagumpay ang Lipa concert

ChadChad1Chad2NAGING malaking tagumpay ang Valentine concert ng OPM icon, hitmaker at veteran singer-performer na si Chad Borja na ginanap sa Ashley Grand Ballroom ng Solano Hotel in Lipa City, Batangas nung Valentine’s Day, February 14, 2026.

Billed as “I Wish You Love: A Valentine Night with Chad Borja,” naging special guest performers ang kilalang flutist-actor na si Jong Cuenca at ang singing champions na sina Carmela Lorzano at Benedict Vinluan.

Ilang beses tinapos at nagpaalam si Chad sa audience pero nakailang-balik din siya sa stage dahil ayaw siyang tantanan ng audience for more songs.

Bukod at kanyang sariling hit songs tulad ng “Ikaw Lang,” “Tulog,” “Di Na Sana,” “Kung Ako Na Lang Sana,” “Ikaw Lang sa Habang Buhay” at marami pang iba iba, kinanta rin ni Chad ang ibang hit songs ng ibang artists, foreign and local at madalas siyang sinasabayan ng kanta ng audience.

It was actually our first time na mapanood si Chad in a full concert and we have to admit na kaya niyang i-hold ang audience up to his very last song.

Nasa audience ang mag-asawang businessmen na sina Charles and Lorena Solano and family, ang sikat na Tiktoker-actress na si Queenay Mercado, ang singer-actor na si Christian Bables at iba pa. Kasama naman ni Chad as part of his back-up singers ang anak niyang si Aby Singson, naroon din ang kanyang wife at isa pang anak na si Mafy na isang golfer tulad ng kanyang ama.

When we had our breakfast at Ryan Restaurant (ng Solano Hotel) the following day, naikuwento sa amin ni Chad (who is Quintin Singson in real life) na may dalawa pa umano siyang anak na babae sa dalawang magkaibang ina pero magkaka-close umano ang apat niyang mga anak na lahat babae.

Si Chad ay isang cancer survivor. Nagkaroon siya ng papillary carcinoma (thyroid cancer) nung 1998 at sumailalim siya ng dagliang operasyon and radiation therapy. Ang buong akala noon ng singer and part-time actor ay hindi na siya makababalik sa pagkanta but he was able to sing and perform again in 2013, fifteen years later.

Bukod sa pagkanta, ang paglalaro ng golf ay isa sa mga libangan ng OPM icon.

Vina hindi makalimutan ang Broadway New York experience

Pic5HINDI ikinakaila ng Cebuana singer-peformer at actress na si Vina Morales na hindi umano niya makakalimutan ang kanyang naging experience sa Broadway in New York nung 2024 when she played the role originally portrayed by award-winning West End and Broadway star na si Lea Salonga sa musical play na “Here Lies Love.”

Vina was asked to audition for the role played by Lea na may ibang commitment noon. Luckily for her, nakapasa siya sa audition and played the role for 34 times sa Broadway.

“Ang makapag-perform sa Broadway was in my bucket list,” aniya.

Hindi ikinakaila ng nakatatandang kapatid ng singer-actress na si Shaina Magdayao na sobra umano siyang kabado sa kanyang unang salang sa Broadway. Halos nawala sandali ang kanyang boses bago siya lumabas ng stage and she prayed hard. When it was time for her to enter the stage ay himala umanong lumabas ang kanyang boses.

“I will never forget that experience,” aniya nang ito’y aming makapanayam sa aming vlog, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Pabalik na ng Pilipinas si Vina from her successful concerts in Saskatoon and Edmonton, Canada last February 13 and 14, 2026 kung saan niya kasama sa biyahe ang kanyang unica hija na si Ceana (16).

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

The post Onemig nabingwit sa wakas si Aiko appeared first on Journal News Online.

About admin