PWEDENG makaipon ng P22 billion na dagdag kita para sa government kung iaa-bolish ang travel tax na panukalang batas ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, ayon kay Marikina City Rep. Miro Quimbo.
“So ‘yun po ang overall for the P7.5 billion na mawawala po natin ‘pag tinanggal po natin annually. So sa computation po namin ‘yung madadagdag in terms of income tax, dahil mas malaki ang kikita nila, aabot po ng P22 billion. No brainer po talaga siya,” ayon kay Quimbo.
Sa panukala ni Rep. Marcos, hindi na dapat singilin ng P1,620 ang mga sumasakay sa economy at P2,700 sa first-class flights.
“Kapag tinanggal po natin yung P1620 sa isang plane fare… meaning mas maraming tao ang makaka-biyahe.
So mas madadagdagan ang kikitain ng ating travel agencies, ating airline companies,” ayon kay Quimbo.
Idinagdag ng mambabatas na ang Pilipinas na lang ang naniningil ng travel tax sa mga lumalabas ng bansa.
“At saka tayo nalang po ang nangongolekta ng tax for outbound travel sa buong ASEAN. Wala na po nangongolekta nyan,” sabi niya.
Ayon pa kay Quimbo, pwedeng mabawi ang mga hindi na kokolektahing travel tax sa loob lang ng 18 buwan.
Unang na implement ang travel tax sa panahon ni dating presidente Marcos noong 70s at 80s kung kailan 80% ng foreign traveller mga overseas Filipino workers.
“But today everybody travel. So malaking sagabal po ito pagdating sa ability ng ating mga kababayan na mag-biyahe,” sabi ni Quimbo.
The post Quimbo: P22B kikitain kung travel tax aalisin appeared first on Journal News Online.