Maris at Gian: Prank na ‘plot twist’

Prank lang pala ang ipinost na mga larawan ni Maris Racal sa Instagram account noong Feb. 12 kung saan ay makikitang magkasama sila ni Gian Bernardino ng bandang Cup of Joe.

Sa litrato ay may hawak na bouquet of flowers si Maris na tila kilig na kilig habang nakahilig naman si Gian sa kanyang balikat.

Ang caption lang ng aktres sa kanyang post ay “plot twist.”

Agad nag-trending ang nasabing post at marami ang na-curious kung ano ang ibig sabihin nito.

May mga nag-speculate na mukhang may ‘something romantic’ na namamagitan sa dalawa at may nagsabi rin namang baka may collaboration ang mga ito.

Sa bagong IG post ni Maris nitong Sabado, mapapanood ang behind the scenes (BTS) ng nasabing larawan. Prank lang pala ito at ang totoo ay magkapareha sila sa music video para sa bagong single ng aktres na “Sino ang Tanga.”

Mapapanood naman sa BTS na ipinost ni Maris ang pagpaplano nila na i-prank ang madlang people.

Caption niya sa video, “Prank bts sino ang tanga out now!!!!”

Mapapanood sa reel na nagpo-pose ang dalawa na kunyari ay sweet sa isa’t isa habang may hawak ngang bouquet of flowers si Maris.

“Oh my God! Mukha tayong magdyowa, tingnan mo,” sey ni Maris kay Gian.

Sabi pa ng aktres, “So, ang goal is gumawa tayo ng…”

Dugtong naman ni Gian, “Prank.”

Natatawang hirit pa ni Maris, “What if mag-flop ’to?”

Tawa pa rin nang tawang sambit ng aktres, “Guys, ako’ng bumili ng bulaklak.”

Sabi naman ni Gian, “Gulat nga ako pagdating niya, may malaki siyang dala, nakakahiya.”

Sey na naman ni Maris, “Hindi nagma-matter ‘yung results, it’s all about the friendship that we made. Ganu’n na lang pag nag-flop,” sabay-tawa.

Sa isang bahagi ay makikitang nag-iisip pa sila pareho ng ika-caption at suhestiyon ni Gian, “One year with you.”

Tawa nang tawa si Maris hanggang sa nagkasundo sila sa caption na “plot twist.”

Aliw na aliw naman ang netizens at sey nila, akala nila ay totoong may namumuo nang ‘something special’ sa dalawa at kinikilig na nga raw sana sila rito.

The post Maris at Gian: Prank na ‘plot twist’ appeared first on Journal News Online.

About admin