Kinilig nang bongga si Shaira Diaz matapos matanggap ang Valentine gift ng asawang si EA Guzman.
Well, ang priceless gift ng aktor sa misis ay ticket para sa concert ng South Korean boy band na BTS sa Las Vegas.
Sa kanyang Instagram ay ipinost ni EA ang video ng reaksyon ni Shaira matapos makita ang tiket sa kanyang cell phone.
Makikita sa video na halos mangiyak-ngiyak si Shaira at hindi makapagsalita.
Sey ni EA, “Happy Valentine’s Day, asawa.”
Sagot naman ni Shaira, “Happy Valentine’s Day, thank you, papa” sabay-pakita ng e-ticket sa cell phone na may tili pa.
“BTS, I’m going to see you in Vegas!” ang excited at masayang-masayang wika ni Shaira.
Sey naman ni EA, “I love you so much” at nag-I love you back naman ang aktres.
Sa caption ay sinabi ng aktor na alam niya kung gaano ka-fan ng BTS ang kanyang misis, partikular na si JungKook kaya naman nais niya itong pasayahin.
“Alam ko how much you love BTS and JungKook, so this one’s for you. Happy Valentine’s Day Asawa. I just want to see you smile your biggest smile.
“P.S.: Makikita mo na ng malapitan si JungKook. Ayos lang kahit sumigaw ka ng I LOVE YOU JUNGKOOK hahaha,” mensahe ni EA kay Shaira.
Sagot naman ng Kapuso actress sa comment section, “Ilysm!!! Thank you! spoiled wifey .”
Nakatakdang ganapin ang BTS concert sa Allegiant Stadium sa Mayo. Ito ang comeback and reunion concert ng grupo matapos ang apat na taong pamamahinga.
The post Shaira kilig sa V-day gift ni EA appeared first on Journal News Online.