


CABANATUAN CITY–Iprinisinta ng mga pulis dito sa media noong Huwebes ang hitman at dalawa pang kasabwat sa pamamaril at pagpatay sa 52-anyos na biker noong Nobyembre 22, 2025.
Kinilala ang biktima na si Ricardo Evaristo na pinatay sa Brgy. Dicarma ng syudad na ito dakong alas-5:30 ng umaga.
Ayon kay Nueva Ecija police chief Col. Heryl Bruno, nakilala ang gunman na si alyas Berting, 35, na naaresto bandang alas-9:30 ng gabi sa Brgy. Aduas Norte noong Pebrero 11.
Iniharap din sa media ang dalawang umano’y kasabwat ng hitman na sina alyas Onal, ang umano’y mastermind; at Pene na tumulong sa pagtatago ng ebidensya sa pagpatay.
The post Biker’s hitman, 2 kasabwat timbog sa Cabanatuan appeared first on Journal News Online.