NAGBIRO si Megastar Sharon Cuneta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng naging ka-tandem nito noong Eleksyon 2022, sa isang engrandeng pagtitipon nitong Huwebes ng gabi, Feb 12.
Sa entabladong ginanap ang “An Evening with the Stars: A Gala Celebrating the Stars Who Continue to Light Our Way” sa Foro de Intramuros, nakipagkulitan muna si Cuneta sa Pangulo at kay First Lady Liza Araneta-Marcos bago niya inawit ang kantang hiniling ng mga ito.
Bago simulan ang kanyang performance, pabiro niyang ipinakilala ang kasama niyang “date at nag-iisang vice president” sabay turo sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan. “Sir, I have only one vice president… My date tonight. Mali your choice, ‘no?” aniya na sinabayan ng halakhakan ng audience.
Sa kabila ng biro, nagpaabot din ng suporta ang Megastar sa Pangulo at naghandog ng pagbati at panalangin para sa patuloy nitong pamumuno sa bansa.
The post Sharon to PBBM: Mali your choice ‘no? appeared first on Journal News Online.