Sotto dedma sa Chinese Embassy, mas gustong maging annoying

BINALEWALA na lang ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang matalas na sagot ng Chinese embassy sa kanyang mga pahayag at piniling huwag na lang mag-react sa mga patutsada nito.

“When someone triggers you to react and you do not, it’s annoying! I prefer to be annoying!” sabi ni Sotto.

Nauna nang sinabi ni Sotto na tila nais patahimikin ng embahada ang Senado matapos tumindig ang mga senador sa usapin sa West Philippine Sea at binalikan niya ang prinsipyo na “respect begets respect.”

Sa talakayan ng Senado tungkol sa PS Resolution 256, iniugnay ni Sotto ang sarili niya sa mga manifestation ng mga sponsor ng resolusyon at iminungkahi niyang pag-aralan ang posibilidad na ideklarang “persona non grata” ang “that particular person,” at sinabi niyang “very, very serious when the Senate does that.”

Sa pahayag ng Chinese Embassy na iniuugnay sa spokesperson na si Ji Lingpeng, kinuwestiyon nito ang pagbatikos ni Sotto sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga nagdaang maaanghang na linya ng ilang senador at iginiit na hindi nito layuning patahimikin ang Senado. Tumutol din ito sa mga mungkahing ideklarang “persona non grata” ang ilang Chinese diplomats, at sinabing sasagot ito sa tinawag nitong “baseless attacks and smears.”

Dagdag pa ng embahada, bukas umano ito sa “constructive dialogue and discussion,” pero nagbabala na “respond firmly and without hesitation” kapag may mga pahayag na itinuturing nitong kasinungalingan o malisyosong paninira, at iniuugnay ito sa mga tuntuning diplomatiko.

The post Sotto dedma sa Chinese Embassy, mas gustong maging annoying appeared first on Journal News Online.

About admin