TULFO KINAUSAP MGA SURVIVOR NG BASILAN FERRY TRAGEDY

Kinakausap ni Sen. Raffy Tulfo ang mga survivors ng Basilan ferry tragedy sa presscon ng Senado noong Pebrero 12. Inilunsad ng Committee on Public Services noong Huwebes, Pebrero 12, 2026, ang imbestigasyon nito kaugnay ng paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa baybayin ng Basilan habang isinusulong ang pagpapalakas ng mga batas hinggil sa kaligtasan ng pampublikong transportasyon at kapakanan ng mga commuter.

Sa pagdinig, inusisa ng mga senador ang mga opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan at mga opisyal ng kompanya ng barko hinggil sa mga pagkukulang sa regulasyon at operasyon na nagresulta sa trahedya sa dagat noong Enero 26 at pagkamatay ng 52 pasahero. Isinagawa ang imbestigasyon kasabay ng pagtalakay ng komite ng Senado sa panukalang Magna Carta of Commuters, na naglalayong maisabatas ang karapatan ng publiko sa ligtas, maaasahan, at episyenteng mga paraan ng transportasyon. JOSEPH MUEGO

The post TULFO KINAUSAP MGA SURVIVOR NG BASILAN FERRY TRAGEDY appeared first on Journal News Online.

About admin