Pinalagan ni Mark Herras ang kung ano-anong spekulasyon at mga panlalait ng netizens matapos ang ‘crying video’ na ipinost niya sa Instagram kamakailan.
Matatandaang nag-viral ang ipinost na video clip ng aktor kung saan ay makikita umiiyak siya na tila may mabigat na problema.
Sari-saring komento ang natanggap ni Mark at ang iba naman ay naaawa sa kanya’t nag-speculate na wala kasi siyang trabaho.
Sa bagong Facebook post ni Mark ay galit na galit ang aktor sa mga vlogger at content creator na ginawan umano siya ng mga mali-maling kwento.
“FYI sa mga basta may ma ipost lang kung ano anong storya ang gingawa basta may ma content lang wag kayong gago!!!” simula ni Mark.
Aniya, tungkol daw sa personal na problema ang kanyang iniiyak at hindi dahil wala siyang trabaho.
“Yung post ko na umiiyak eh tungkol sa personal na problema! Wag kayong tanga at mahilig gumawa ng kwento para lang sa content nyo!!!”
Iginiit din niyang may mga proyekto siyang ginagawa ngayon.
“May mga trabaho akong gingawa may show ako na ginagawa under GMA 7 at under BuenasPH so para sa mga gumgawa ng storya na umiiyak ako dahil wala akong trabaho wag kayong tanga!” rant pa ni Mark.
Sa galit ng aktor ay tinawag pa niyang inutil ang mga content creator na ginagawan siya ng maling kwento.
“Maghanap kayo ng ibang macocontent wag ako mga inutil!!!! ” ang galit niyang wika.
The post Mark tinawag na ‘inutil’ content creators na gumagawa ng mali-maling kwento appeared first on Journal News Online.