
MEGASTAR Sharon Cuneta is 60.
At proud na proud siyang ipinakita ang senior citizen ID sa social media na may caption na “aging is a privilege.”
Ibinahagi niya ito sa Instagram noong Wednesday, Feb. 11.
Nagdaos siya ng kanyang ika-60 kaarawan noong January 6, 2026.
Ayon sa kanyang caption: “Heto na siya!!! (Siyempre inalis ko ibang info, pero ito na Senior Card ko!!!) Hahahaha!!! Yahooo!!!! AGING, MY FRIENDS, IS A PRIVILEGE!!! Thank you, Lord!”
Sa comments section, nag-message nang pabiro ang aktres na si Carmi Martin kay Sharon na mag-date sila sa sinehan dahil libre ang mga senior manood tuwing Lunes at Martes sa mga sinehan.
Biniro din siya ng anak na si KC Concepcion tungkol sa pagle-level up ng megastar pagkatapos nitong matanggap ang senior ID.
Sa birthday bash na inihanda sa kanya ng “ASAP” noong Enero, inihayag niya ang kasiyahan sa pagkakaroon ng 20% discount bilang senior citizen.
The post Sharon excited sa 20% discount bilang senior citizen appeared first on Journal News Online.