


NAGKITA at nagkausap ang fashion icon at aktres na si Heart Evangelista at Colombian beauty queen na si Ariadna Gutierrez sa katatapos lamang na Paris Fashion Week. Nakunan pa sila ng larawan na magkasama.
Pero habang masayang nag-uusap, hindi raw mataandaan ni Heart kung sino ang kausap niya.
Natatawa niya itong inamin sa media conference para sa kanyang reality show na “Heart World” Season 2 na ginanap sa Westin Manila sa Mandaluyong nitong Miyerkoles.
“Actually, ‘di ko in-expect na siya pala ‘yun,” ayon kay Heart. “We are surrounded by cameras and beautiful people. They’re all so beautiful. And I only realized when she tagged me [on Instagram].”
Ang naging topic nila ay tungkol sa isang isang fashion show kung saan hindi makaka-attend si Ariadna.
“Then I said, ‘You should attend’ because I think that particular show, hindi siya naka-attend. So I gave her my PR,” patuloy na kuwento ni Hear. “And then she’s like, ‘Oh my God,’ chika-chika.”
Pagkatapos i-tag ni Ariadna sa social media, doon lamang nalaman ni Heart kung sino ang kakuwentuhan niya. Kung matatandaan, nakalaban si Ariadna ni Pia Wurztbach noong 2015 bilang Miss Universe. Pangalan ni Ariadna ang binasa ng host na si Steve Harvey bilang winner pero nagkamali siya, humingi ng apology at itinama ang sarili sa pagsasabing si Pia ang totoong nanalo bilang Miss Universe.
“She was really nice,” sabi ni Heart tungkol sa beauty queen na si Ariadna.
Ang totoo, kaya kaagad nakapalagayang loob ni Ariadna si Heart ay dahil tulad niya, nagsasalita ito ng Espanyol.
“So natuwa siya. So chika-chika kami. And then na-realize ko, superstar pala siya. Tapos lumalakad siya sa—she also does the runway! And I was super starstruck after. So it was nice,” sabi ni Heart.
Pwede kaya silang magkaroon ng isang collaboration sa hinaharap? “Kung nakaupo kami, pwede. Hindi pwedeng tumayo,” pabirong sabi ni Heart.
Well, si Heart ay 5’2” laban kay Ariadna na 5’10”.
Samantala, ang second season ng “Heart World” ay magsisimula sa March 7, 9:30 p.m. sa GMA Network, sa direksyon ni Rico Gutierrez.
The post Heart hindi nakilala si Ariadna, may kundisyon para sa posibleng collab appeared first on Journal News Online.