Sofia nanatiling loyal kay Allen sa loob ng PBB

AllenPic5NILINAW ni Sofia Pablo ang isyu kay Iñigo Jose, na diumano’y nagkagusto sa kanya sa loob ng PBB house.

ibinahagi ni Sofia na napag-usapan na nila ni Iñigo na isa siya sa mga nagustuhan nitong babae sa loob ng Bahay ni Kuya.

“I mean, meron pong mga nang-aasar na housemates inside, pero hindi ko talaga ine-entertain kasi mabait po talaga si Iñigo sa lahat ng housemates,” sabi ni Sofia.

Ikinuwento ng ex-PBB housemate na ayaw niyang paasahin si Iñigo, kaya hindi siya nagpakita ng kahit anong motibo.

“Si-net ko na po talaga ‘yung boundaries namin. Sinabi ko po talaga na the last thing I want inside the house is to be involved with someone romantically kasi iniisip ko talaga si Allen (Ansay). Sobrang vocal ko po doon inside,” kuwento niya.

Inamin ni Sofia na iniisip niya sa loob ng Bahay ni Kuya ang nararamdaman ni Allen Ansay sa labas. Samantala, sinabi ni Allen kay Sofia na maaari siyang magkagusto sa iba habang siya ay nasa loob ng PBB.

“Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi e. Sabi ko para kang ewan, hindi talaga. Kasi sabi ko ang dami na nating pinagsamahan. Ang dami na nating naka-work. Pero I am sure, I am not that type of person like may paninindigan ako if ikaw ‘yung taong gusto ko, ikaw ‘yung taong gusto ko,” diin pa niya.

AZ inamin ang closeness nila ni Ralph

AZPic1INILAHAD ni AZ Martinez na mas tumibay pa ang samahan nila ni Ralph De Leon matapos ang “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

“We’re really close. As in kami, we’ve built a special bond na talaga with each other. We value each other talaga kaya, yeah, what you see is what you get,” sabi ni AZ.

“I guess what you see is really what you get. They are so real, which, I think is so refreshing to see nowadays. Kasi parang kapag nakakasama ko sila, alam mo ‘yung parang, naka-smile lang talaga ako,” sabi ni Bianca.

Dahil magkakasama sa lock-in taping ng drama-mystery series na “The Secrets of Hotel 88,” mas marami pang natuklasan si AZ kay Ralph.

“He likes to listen to music a lot. He’s always wearing earphones. Sometimes nagsi-share na lang kami. Nakikita ko kung paano siya mag-study ng script, as in he’s really invested,” ani AZ.

Enero nang magbakasyon sa Siargao sina AZ at Ralph kasama ang mga kaibigan from showbiz.

Si AZ ang nagplano ng trip ng naturang trip at isa sa kaniyang niyaya si Ralph.

Sinabi ni AZ na babalik sila ng kaniyang PBB batchmates sa Mindoro para sa huling leg ng shoot ng series.

Ang “The Secrets of Hotel 88” ay isang upcoming GMA Network at ABS-CBN collab projec

Ruru proud na proud kay Bianca

Pic2PATULOY na pinag-uusapan ng viewers at fans ang masakit na sakripisyo ni Sang’gre Terra (Bianca Umali) sa Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Upang protektahan ang mga mundo laban sa kadiliman, pinili ng Sang’gre na ibuwis ang kanyang buhay sa kamay ni Bathalang Gargan (Tom Rodriguez).

Agad namang pinusuan ng fans ang naturang eksena, marami ang nagdadalamhati para sa yumaong Sang’gre. May ilan ding humanga sa tapang ni Terra at sa matinding tagpo ng dalawang karakter.

Isa sa mga labis na humanga ay ang kapwa Sang’gre star at real-life partner ni Bianca na si Ruru Madrid.

Sa kanyang latest post, hindi napigilang magbigay ng papuri ang Kapuso actor sa husay ni Bianca sa superserye.

“Sobrang proud ako sayo, Mahal,” ani Ruru.

“Alam ko kung ano ang hirap ng ginagawa mo sa araw-araw lalo na para sa eksena na ito. Deserve mo lahat ng papuri at pagmamahal para sa iyong dedikasyon at pagmamahal sa iyong ginagawa.”

Dagdag pa niya, hanga siya sa dedikasyon ni Bianca bilang isang aktres.

“Alam ko din na ginagawa mo ito para makapag bigay ng saya at magandang eksena para sa mga manonood. CONGRATULATIONS MY LOVE!” bati niya.

Kaagad ding pinusuan ng fans ang post ng aktor, marami ang pumupuri kay Bianca sa kanyang pagganap.

“Ang galing mo terra” komento ng fan.

“Naiyak ako dito Terra.. sana mabuhay ka muli Avisala Eshma Terra” dagdag pa ng isa.

Candy’s mom passes, words of sympathy pour in

Pic3Pic4IN her Instagram post, actress and comedienne Candy Pangilinan shared the news of the passing of her mother, Dori Espiritu, on Tuesday evening, February 10.

Candy revealed that her mother “Sis Dori” had peacefully “met her creator,” surrounded by the unconditional love of her family

“With God’s unconditonal love Mother /Sis Dori has peacefully met her creator today, February 10, 2026,” she wrote in the caption.

She continued, “We ask for your prayers for the repose of her soul and for all her loved ones.”

The actress also invited friends and followers to join them in honoring her mother, a woman who dedicated her life to the service of others.

“Our dear family and friends; please come and join us, as we celebrate her life of love and service,” Candy wrote.

An outpouring of condolences and support from Candy’s close friends and colleagues in the entertainment industry followed the announcement. Among those who expressed their sympathies were Amy Perez-Castillo, Claudine Barretto, Rhea Santos, Gladys Reyes, Vina Morales, and Giselle Sanchez.

“Mahigpit na yakap @candypangilinan. Ang aming pakikiramay,” Amy wrote in the comments section.

“Kapatid my condolences. Mahigpit na mahigpit na yakap,” wrote Claudine.

“@candypangilinan nakikiramay kami Cands,” Gladys commented

“Sis my deepest condolences to you and your family,” Vina wrote.

“My condolences @candypangilinan I will pay my respects to Tita Dori later,” Giselle commented.

The announcement follows a challenging period for the family, as Candy had been by her mother’s side through multiple hospitalizations due to Dori’s declining health.

During that period, the actress shared several videos on social media showing her son, Quentin, visiting and spending time with his grandmother at the hospital.

The post Sofia nanatiling loyal kay Allen sa loob ng PBB appeared first on Journal News Online.

About admin