Tambay na may dalang baril dinakip dahil sa ‘terror trip’

NAGPULASAN sa takot ang mga naglalakad na residente nang masalubong ang 28-anyos na tambay habang palakad-lakad na may bitbit na baril Linggo ng umaga sa Muntinlupa City.

Kaagad namang naitawag sa tanggapan ni Muntinlupa police chief P/Col. Robert Domingo ang insidente na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas “Jiro” residente ng No. 103 San Guillermo, Brgy. Bayanan.

Sa ulat ni Col. Domingo kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, dakong alas-7:55 ng umaga nang mamataan ang suspek na palakad-lakad sa 7C PNR Site, Brgy. Alabang na tila naghahanap umano ng kaaway na dahilan para umiwas sa lugar ang mga naglalalakad na karamihan ay patungo ng San Roque de Alabang Parish para magsimba.

Nakumpiska nina P/Cpl Jeffrey Portugal at Pat Mhel Ian Imperial ng Alabang Police Station sa suspek ang isang hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na kargado pa ng dalawang bala.

The post Tambay na may dalang baril dinakip dahil sa ‘terror trip’ appeared first on Journal News Online.

About admin