SUNSET, skyline, at sizzling confidence — iyan ang hatid ng social media darling na si Neslyn Yauco sa kanyang latest post na may emojis na tila nagsasabing “catching sunsets on a yacht.” At mukhang hindi lang ang araw ang lumubog pati ang inhibitions ng netizens, tila nawala sa comment section.
Sa larawan, makikitang nakatayo si Neslyn sa dulo ng isang yacht habang tanaw ang matatayog na gusali sa likuran. Suot niya ang pulang bikini na kapit na kapit sa kanyang kurbada, habang ang kanyang makinis na balat ay kumikinang sa ginintuang liwanag ng dapithapon.
Ang tindig niyang diretso, balanse sa gitna ng dagat, at ang kumpiyansang ngiti ay nagbibigay ng vibe na parang siya ang tunay na may-ari ng eksena hindi ang mga yate o skyscraper sa paligid.
Umani agad ng maiinit na reaksyon ang naturang post. “Napakasarap mo talaga,” diretsahang komento ng isang follower. May sumingit ng “Tight!” habang ang iba ay napa-“Those (peach) looks juicy,” na tila hindi napigilang ipahayag ang paghanga sa kanyang hubog. Umulan ng emojis at papuri na lalong nagpasiklab sa feed.
Sa bawat galaw ni Neslyn, malinaw na hindi lang siya basta nagbabakasyon. Siya ang mismong tanawin — at sa gitna ng alon at lungsod, pinatunayan niyang kaya niyang pag-isahin ang glam at alindog sa isang kuha lang.
The post ‘Those peach looks juicy’ appeared first on Journal News Online.