Bela sa nagbigay ng Valentine flowers: Secret muna

SECRET muna.

’Yan ang naging sagot ni Bela Padilla nang uriratin ng press tungkol sa nagbigay sa kanya ng bouquet of flowers noong Valentine’s Day.

Matatandaan na ipinost ng aktres ang nasabing bouquet of flowers sa kanyang Instagram account bilang pasasalamat sa kung sino man ang nagpadala nito.

“Isi-secret ko po muna,” ani Bela sa katatapos na grand mediacon ng kanyang reunion movie with Carlo Aquino na “A Special Memory” na palabas na sa mga sinehan simula March 11.

“Wala pa, I’m not seeing anyone right now,” dagdag paliwanag pa ng dalaga.

“Natuwa lang naman po ako na maganda po ‘yung flowers. Pero wala pa, wala pa naman akong sinasagot,” patuloy ni Bela.

Sa ngayon, loveless nga raw ang aktres matapos makipaghiwalay sa Swiss-Italian boyfriend of four years na si Norman Bay.

Pero nananatili silang in good terms ni Norman at katunayan, paminsan-minsan ay bumibisita ito sa kanya dito sa ’Pinas and vice versa.

The post Bela sa nagbigay ng Valentine flowers: Secret muna appeared first on Journal News Online.

About admin