Operasyon sa Puerto Princesa Airport normal, tuloy — CAAP

TINIYAK ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na normal at tuloy-tuloy ang operasyon sa Puerto Princesa International Airport sa kabila ng pagpatay sa acting manager ng airport noong Miyerkules.

Kinumpirma ni CAAP Director General Raul Del Rosario na normal ang operasyon sa airport sa kanyang pagbisita doon noong Huwebes.

Walang aberya sa iskedyul ng mga biyahe at lahat ng mahahalagang serbisyo sa paliparan.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang director general sa naulilang pamilya ng pinatay na acting manager alinsunod sa direktiba ni Transportation Secretary Giovanni Lopez.

Binigyang-diin ng CAAP na iniimbestigahan ang mga pangyayari kaugnay ng pagkamatay ng airport manager at nananawagan sa publiko na umiwas sa pagbibigay ng haka-haka o pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon hinggil sa insidente.

The post Operasyon sa Puerto Princesa Airport normal, tuloy — CAAP appeared first on Journal News Online.

About admin