Desert mist

MAY bagong kabanata si Ely Mist at mukhang sa disyerto niya napiling maghari. Sa caption na “In my Dubai era,” tila opisyal na inihayag ng social media darling ang kanyang bagong phase, at hindi ito basta travel update lang, isa itong visual takeover.

Sa ibinahaging larawan, makikita si Ely na rumarampa sa buhangin na tila sariling runway niya. Suot ang dark brown bikini na may manipis na flowing cover-up, mas lalo pang na-emphasize ang kanyang makurbang pangangatawan at makinis na balat na kumikinang sa ilalim ng araw.

Ang kanyang kumpiyansang lakad at natural na tikas ay nagbibigay ng impresyong kontrolado niya ang buong eksena — mula sa beach cabanas hanggang sa matatayog na gusali sa likuran. Parang pinagsamang city chic at beach vixen ang peg.

Hindi rin nagpahuli ang kanyang followers sa pagbibigay ng reaksiyon. “Lalo pang gumaganda at sumeseksi my idol crush,” komento ng isang fan. May humirit pa ng “Solid ka talaga Idol,” habang ang iba ay naghayag ng paghanga: “Everywhere she goes, all look perfect.” Mistulang saan man siya magpunta, dala niya ang sariling spotlight.

Si Ely ay nasa yugto ng mas matapang, mas elevated, at mas confident na bersyon ng sarili — at mukhang hindi pa rito nagtatapos ang kanyang pag-angat.

The post Desert mist appeared first on Journal News Online.

About admin